Ang Bitcoin ni Satoshi Nakamoto (2008) ay lumikha ng isang bagong uri ng investment at asset class na kaiba sa mga traditional investments kagaya ng stocks, bonds, real estates, at commodities (Baur et al., 2018; Elendner et al., 2018; Paule-Vianez et al., 2020; Ram, 2019; Trautman & Dorman, 2018).
Dahil sa inobasyon ni Nakamoto (2008) sa mga pinagsama-samang teknolohiya na ginamit sa Bitcoin halimbawa ng mga ito ay cryptographic hash functions (SHA-256), public-key cryptography (ECDSA), consensus protocol (Proof-of-Work), at peer-to-peer (P2P) network (Böhme et al., 2015) nakalikha rin si Nakamoto ng isang bagong uri ng economic system na hindi na kailangan ng suporta, kontrol, o gabay ng gobyerno at mga tagapamagitan (Budish, 2025).
Ang umuusbong na bagong uri ng economic system na ito ay tinatawag na blockchain economy.
Sa makabagong sistemang pang-ekonomiya na ito, ang mga gawaing pang-ekonomiya ay nakasalalay sa blockchain. Ang blockchain ay isang desentralisadong, distributed, at hindi nababago na ledyer o talaan na naglalaman ng mga transaksiyon (Tanwar, 2022).
Binubuo ang blockchain ng mga pinagsamang teknolohiya kagaya ng cryptographic hash functions, consensus mechanism, at smart contract (Komalavalli et al., 2020; Tanwar, 2022).
Ang talaan na ito ay hindi saklaw ng kapangyarihang ng anumang gobyerno at ng mga pribadong negosyo o tao kaya ito ay may tinatawag na desentralisadong sistema. Hindi katulad sa isang sentralisadong sistema na kung saan ang mga kapangyarihan, gawain, proseso, at pagmamay-ari ay pinamamahalaan ng isang entidad. Sa talaang ito ay walang institusyon katulad ng pamahalaan, korporasyon, at institusyong pananalapi o tao ang namamahala at sumakawlaw sa mga gawaing pang-ekonomiya.

Ang talaan na ito ay hindi isang pisikal na dokumento; bagkus, ito ay isang dihital na istruktura na binuo gamit ang programming code. Masasabi natin na ang blockchain ay isang dihital na talaan o ledyer.
Ang mga gawaing pang-ekonomiya, kasama ang mga kalakip na tuntunin, transaksiyon, at pagmamay-ari, ay ipinapatupad at pinamamahalaan ng programming code. Lahat ng aspekto ng gawaing pang-ekonomiya ay kinakailangang tumalima sa itinakda ng programming code bilang protocol.
Ang protocol ay nagsisilbing manwal ng mga alituntunin na nagtatakda kung ano ang pinahihintulutan at ipinagbabawal. Para itong isang konstitusyon ng isang bansa. Masasabi natin na ang protocol ay ang konstitusyon ng isang dihital na estado.
Nagsisilbi itong awtomatikong mekanismo kung paano ipapatupad ang mga gawaing pang-ekonomiya, na dapat sundin ng mga kalahok sa pamamagitan ng kanilang mga kompyuter at electronic devices katulad ng cellphone at tablets, na tinatawag din na mga nodes sa loob ng blockchain network. Ang blockchain network ay pangkat ng mga tao na may kopya ng dihital na talaan.
Sa blockchain network, ang talaan ay nakakalat (distributed) sa mga nodes na kanilang ding pinagsasaluhan, kaya naman ang bawat isa ay may kahalintulad na kopya at nakikita kung ano ang mga nangyayari at kasalukuyang katayuan ng dihital na talaan. Bukod dito, ang bawat tala ay may nakatalagang dihital na pagkakakilanlan o digital fingerprint na siya namang walang kahalintulad na tinatawag din na hash value.

Ang hash value ay resulta ng isang prosesong tinatawag na hashing. Ang hashing ay isang komplikadong ekwasyong matematikal na kung saan ang digital data ay ginagawang isang serye ng mga numero at letra na may kaukulang permanenteng haba na hindi na maibabalik sa kanyang orihinal na pagkakalilanlan (L. Cai et al., 2022; Hughes, 2022).
Pwede mong bigyan ng hash value ang lahat ng bagay basta meron itong katumbas na digital data o file na tinatawag din na digital twin (Huang et al., 2020). Ang mga hash value ay nagsisilbing taga-ugnay ng mga tala sa loob ng blockchain. Ginagamitan ito ng cryptographic hash function upang hindi madaling mapalitan o mabago ang mga impormasyon sa loob ng talaan. Ang cryptographic hash function ay ang teknolohiyang namamahala ng segurida ng mga tala sa loob ng isang blockchain (Ar & Gupta, 2020; Sharma & Saxena, 2023; Zhang et al., 2020).
Halimbawa ng isang hash value:
cca7507897abc89628f450e8b1e0c6fca4ec3f7b34cccf55f3f531c659ff4d79

Pinagmulan: https://www.blockchain.com/explorer
Dahil dito, talagang napakahirap at magastos kung susubukang itong baguhin o burahin ng walang nakakapansin. Ito ang dahilan kung bakit ito tinatawag na immutable o hindi nababago na talaan.
Ngunit ang katangiang ito ng blockchain ay hindi ganap o absolute (Hofmann et al., 2017; Kim & Wang, 2018; Politou et al., 2021). Ang angkop na termino ay tamper-resistant o hindi madaling baguhin.
Ang tamper-resistant ng isang blockchain ay nakabase kung papaano ito dinisensyo.
Sa ekonomiks, ang tamper-resistant ng isang blockchain ay masasabing isang cost function. Kung may gusto kang baguhin na tala sa loob ng blockchain, kailangan ng maraming factors of production o sa madaling salita, maraming pera at yaman upang maisakatuparan ito.
The cost of altering a blockchain record (mining difficulty) exceeds the rewards, making any attempt a financial loss (Nakamoto, 2008).
Therefore:
![]()
Where:

A blockchain network secured by intense mining difficulty ensures that any adversarial attack results in a guaranteed financial loss.
A blockchain network secured by intense mining difficulty ensures that any adversarial attack results in a guaranteed financial loss.
Kung mananatili ang ganitong kalagayan sa pagbabago ng tala sa isang blockchain network, ang pagtatangkang baguhin ang tala ay hindi maisasakatuparan.
Subalit kung sakaling may pagkakamali sa naitala, pwede itong iwasto. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtala ng isang bagong transaksiyon sa blockchain para iwasto ang mali.
Mahalaga ring tandaan na ang tamper-resistant ay hindi nangangahulugang imposible nang baguhin ang mga nakatala. Ang ibig sabihin lang nito sa blockchain ay sadyang napakahirap, napakagastos, mabusisi, at hindi praktikal kung babaguhin ang mga nakatala na ngunit posible pa rin itong baguhin.
Ang Blockchain Economy
Sa pag-aaral ng comparative economic systems, lubhang malaki ang kaibahan ng mga katangian ng blockchain economy bilang isang umuusbong na bagong sistemang pang-ekonomiya kumpara sa apat na pangunahing sistemang pang-ekonomiya lalo na sa sistemang ating nakalakihan (mixed economy) na pinaghalong market economy, command economy, at traditional economy.
Una, isang malaking kaibahan ay ang paglihis ng blockchain economy sa partisipasyon ng gobyerno at mga pribadong intermedyaryo. Hindi na kailangan ang mga entidad na ito sa pagtupad ng mga gawaing pang-ekonomiya. Ang mga gawaing pang-ekonomiya ay maari ng isagawa sa pagitan lamang ng mamimili at nagbebenta.
Pangalawa, ang pagdepende ng blockchain economy sa programming code bilang mga tuntutunin na dapat sundin at hindi na sa mga tuntunin na alinsunod sa mga ligal na kontrata and dokumento ng mga institusyon. Dahil dito, ang tiwala na maisasakatuparan ang mga gawaing pang-ekonomiya ay nakabase na sa programming code at hindi na sa mga institusyon at batas.
Pangatlo, kahit sinong may internet access at gadgets ay maaring makilahok sa blockchain economy. The blockchain economy works, essentially, on an ‘Open Door’ policy. Generally, it doesn’t discriminate, not yet at least. Masasabing isang malaking pagbabago at inobasyon ang hatid ng blockchain economy, lalo na pagdating sa usapang borderless economy.
Panghuli, halos lahat ay programmable sa blockchain economy. Ang mga bagay na akala nating gagalaw lang kapag ginalaw natin (static) ay maari palang kusang kumilos kahit hindi pinapakialaman (dynamic).
Halimbawa nito ay flight insurance sa blockchain. Sa sandaling magbago ang status ng iyong flight sa “delayed” o “cancelled” sa anumang kadahilanan. Ang kontrata (smart contract) ay gigising at awtomatikong magpapadala ng refund sa inyong digital wallet.
Ang Tatlong Pundamental na Katanungan Pang-Ekonomiya
Kung ating sasagutin naman ang tatlong pundamental na katanungan pang-ekonomiya sa konteksto ng blockchain economy.
Una, ano ang mga produkto and serbisyo na ating lilikhain?
Ang katanungan ito ay umiiral dahil mayroon tayong kakapusan sa maraming bagay na hindi natin maaring sabay-sabay na matutugunan. Sa blockchain economy, sa payak paliwanag, makakalikha ng mga digital twin ng mga produkto na magsisilbing tulay sa pagitan ng realidad at dihital na mundo. Ang layunin ng digital twin ay para magkaroon ng bakas ang mga produkto at serbisyo na hindi pwedeng baguhin sa dihital na mundo. Ito ay magsisilbing mga bakas ng kabuoang buhay ng mga produkto at serbisyo upang malaman ang kundisyon nito sa realidad. Ang digital twin na mayroong mga hash value ang magsisilbing hudyat at senyales na nakikita ng lahat sa anumang oras. Ito ang magtutukoy kung anong mga produkto at serbisyo ang may pangangailangan. Sa paraang ito, madali ng matukoy ng sinuman sa anumang oras ang pangangailangan ng bawat isa dahil ang digital twin sa blockchain economy ay may kakayahan na magbigay ng impormasyon na nakapagpapahiwatig kung ano ang pangangailangan sa kasalukuyan at hinaharap, kaya rin nitong ipakita at balikan ang kasaysayan ng mga produkto at serbisyo, at higit sa lahat, may kakayahang salamin ang realidad. Sa blockchain economy ay maari tayong lumikha ng mga produkto katulad ng mga digital currencies (Nakamoto, 2008; Nicolini & Intini, 2023), digital ownership (Lianidis et al., 2025; Wang et al., 2021), decentralized applications (W. Cai et al., 2018; Singh, 2023), at new organizations (Augustin et al., 2023; Santana & Albareda, 2022).
Pangalawa, paano natin lilikhain ang mga produkto at serbisyo?
Sa katanungan ito, ang protocol ang magsisilbing blueprint o factory instruction manual, habang ang consensus mechanism naman ang tatayong assembly line o production area.
Sa blockchain economy, imposibleng makalikha ng mga produkto o serbisyo gamit lamang ang mga protocol (factory instruction manual) at consensus mechanism (production area), kailangan pa rin ng mga hilaw na materyales o mga produktong pang-agrikultura at iba pang mga salik ng produksyon.
Dapat nating isaisip na hindi pwedeng magbunga (biologically) ang protocol at consensus mechanism ng isang aktuwal na mansanas, ubas, o ano amang likha na gamit ang kalikasan. Bagkus, kaya nitong magsaayos at magplano ng mabisa at mahusay upang makalikha ng mga produkto at serbisyo.
Ang mga protocol at consensus mechanism ang magiging malaking pwersa para mabuo ang isang produkto o serbisyo na hindi na kailangan ng kumpas ng isang namumuno o ng isang gobyerno. Ito rin ang magbubukas ng pagkakataon para sa lahat ng konektado sa internet, saan man naroroon, na maging bahagi sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo.
At ang panghuli, para kanino ang mga produkto at serbisyo na ating lilikhain?
Sa isang mixed economy, ang purchasing power at gobyerno ang dalawang pwersang nagbibigay ng kapangyarihan o nagpapasiya kung sino ang makakakuha ng mga produkto at serbisyo. Kung mayroon kang marami at malakas na pera, magtataglay ka ng kakayahan na bumili ng iyong mga pangangailagan at mga bagay na iyong nais. Sa madaling salita, ang sinomang may pambili, ang siyang makakakuha ng mga produkto at serbisyo. Ang sinomang may malaking kita ay magkakaroon ng kapangyarihan at impluwensya sa mga produkto at serbisyo na lilikhain. Ang atensiyon ng mga prodyuser at nagbebenta ay nakatuon sa mga taong may kakayahan na bumili at gumastos.
Ngunit, masasabi ko na sa maraming pagkakataon, ang gobyerno ang nagpapasya kung ano ang maaring makuha at magamit ng nakakarami, kung hindi man ng lahat, sa papamagitan ng pagbubuwis, subsidyo, at mga programang may kaugnayan sa kapakanan ng lipunan.
Subalit sa blockchain economy, ang protocol at consensus mechanism ang magpapasya kung sino ang makakakuha ng mga produkto and serbiyo. Ang sinomang may kontrol sa dihital na imprastraktura sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga tokens o kung sinomang may kakayahan na magbayad ng transaksyon sa papamagitan ng coins (gas fee) ang siyang makakakuha ng mga produkto at serbisyo.
Ang Blockchain Economy sa Kasalukuyan at sa Hinaharap
Sa kasalukuyan, ang blockchain economy ay patuloy pa ring nagbabago at lumilikha ng mga bagong paraan kung paano magiging mahusay, mabisa, at produktibo ang ating lipunan at ekonomiya.
Ang blockchain economy na pinatatakbo at pinamamahalaan ng blockchain technology ay tumawid na mula sa teorya o puro whitepapers lamang patungo sa tunay na real-world applications o mainstream integration.
Patunay dito ang pagtanggap ng mga institusyong pinansyal katulad ng mga bangko at malalaking korporasyon sa blockchain technology bilang isang financial infrastructure.
Binasag na rin ng blockchain technology ang malaking transparent at thick glass na pader sa pagitan ng digital world at real world. Dahil dito, unti-unting nang nagsasanib at nagiging isang seamless ecosystem na ang dalawang mundo.
Patunay dito ang tokenization o ang pagproseso ng mga physical assets kagaya ng real estate, ginto, artworks, at government bonds sa blockchain.
Ang blockchain economy ay hindi na isang konsepto lamang bagkus isa ng umuusbong at gumaganang sistemang pang-ekonomiya. Binabago na ng blockchain economy ang ating mga paraan kung paano tayo magsagawa ng mga transaksyon.
Kaya naman sa hinaharap, babaguhin din ng blockchain economy ang mukha ng ating sibilisasyon lalo na ang ating mga gawi.
Sa malapit na hinaharap, babaguhin ng blockchain ang ating pamumuhay.
Sa malapit na hinaharap, babaguhin ng blockchain ang ating kabuhayan.
Sa malapit na hinaharap, babaguhin ng blockchain kung paano tayo mamumuhay.
Sa malapit na hinaharap, babaguhin ng blockchain kung paano tayo mabubuhay.
Sa ngayun, nagsisimula na itong baguhin ang ating buhay.
The blockchain economy won’t always be the headline, but it will forever be the footnote on every page of the global market.
The blockchain economy won’t always be the headline, but it will forever be the footnote on every page of the global market.