Matagal ng nagsimula ang Fourth Industrial Revolution na sumisentro sa paggamit ng teknolohiya ng internet, artificial intelligence at blockchain na tinatawag din na mega-technologies (Johnson & Markey-Towler, 2021).
Hindi maikukubli ang potensiyal na kumita ng malaking pera sa mga cryptocurrencies bilang investment. Kahit na ang mga institutional financial companies kagaya ng kumpanyang JPMorganChase (2025) at Goldman Sachs (2025) ay interesado na rito at kasama na sa kanilang portfolio management at services.
Ang mga cyrptocurrencies kagaya ng Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH) at Solana (SOL) ay halimbawa ng blockchain projects na nagtagumpay kung pag-uusapan ay ang halaga ng mga ito sa digital exchange. Paalala, hindi ko iniendorso ang mga ito at maraming pang ibang klaseng cryptocurrencies sa merkado.
Ayon sa CoinGecko, ang presyo ng isang BTC noong Oktubre 06, 2025 (all-time high) ay nagkakahalaga ng USD $126,080 kumpara noong Hulyo 06, 2013 (all-time low) na meron lamang halaga na USD $67.81. Ang halaga naman ng isang ETH noong Augusto 24, 2025 (all-time high) ay USD $4,946.05 kumpara noong Oktubre 20, 2015 (all-time low) na meron lamang halaga na USD $0.433. At ang SOL na may halaga na USD $293.31 noong Enero 19, 2025 (all-time high) kumpara noong May 11, 2020 (all-time low) na meron lamang halaga na USD $0.5008.
Pinagmulan: Coingecko
Kung pagbabatayan natin ang halaga ng all-time low at all-time high, masasabi natin na matagumapay ang mga cryptocurrencies na ito dahil talaga naman hindi mo maikakaila na malakas ang historical returns ng mga cryptocurrencies na nabangit. Kaya hindi nakakapagtaka na marami ang naeenganyo na mag-invest dito. At hindi lamang ang mga tao na gustong magkaroon ng cryptocurrencies ang naeenganyo mag-invest, pati na narin ang mga tao na gustong gumawa na sarili nila mga cryptocurrencies.
Ayon sa Coingecko, noong 2024 ay naitala ang 3,032,501 listed cryptocurrencies (coins at tokens) sa kanilang platform. Sa kasalukuyang taon naman, 2025, ang listed cryptocurrencies ay 1,938,711. Ito ay nagpapakita ng mataas na interes ng mga indibidwal at kumpanya na lumahok at lumikha ng sarili nilang mga coins at tokens.
Gayunpaman, hindi lahat ay nagtatagumpay sa larangang ito. Marami rin ang tinatawag na dead coins—mga cryptocurrencies na na-delist. Noong 2024, umabot ito sa 1,082,010, at ngayong 2025 ay lumobo pa sa 1,821,549. At sa loob lamang ng 5 taon, mula 2021 hanggang 2025, mahigit 52.7% ang naitalang mga dead coins o katubas na 3,664,267 mula sa 6,959,484 listed cryptocurrencies sa GeckoTerminal.
Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang panganib sa industriya ng cryptocurrency— lalo na mula sa mga isyung pampinansyal (Kerr et al., 2023) at malaki rin ang posibilidad na maloko ka ng ibang tao (Trozze et., 2020). Ito ay dulot ng malalim na agwat sa kaalaman at regulasyon ng gobyerno, lalo na ng mga regulatory agencies, sa mabilis na pag-usbong at paggamit ng mga tao ng mga cryptocurrencies (Cumming et al., 2019; Teichmann & Falker, 2021; U.S. Government Accountability Office [GAO], 2023). Hanggang ngayon, kapos pa rin ang proteksiyon, suporta, at gabay na naibibigay ng pamahalaan.
Pero kung ikaw ay magtatagumpay, maari kang kumita ng malaking pera. Kagaya ng sinasabi ng mga investors, the higher the risk, the higher the reward.
The cryptocurrency market is overwhelmingly sentiment-driven, hype-centric, and cyclically volatile. But undeniably, holds promise for the future. Ang mga cryptocurrencies ay nagbabago at umaangkop pa sa kasalukuyang sistemang pampinansyal. Susubukin pa ito ng panahon at susubukin ka rin nito bilang isang investor.
Sa larangan ng pag-iinvest sa cryptocurrency, kinakailangan mo ng maintindihan kung ano ang blockchain technology upang malaman mo kung papaano ka dito kikita at malulugi. Dapat mong malaman kung ano ang uri ng consensus mechanism ang sumasaklaw sa cryptocurrency ng iyong napiling mag-invest halibawa nito ay ang proof-of-work (Auer & Claessens, 2018), proof-of-stake (Saleh, 2021), at proof-of-authority (Joshi, 2021).
Pangalawa, dapat mayroon ka rin na malinaw na pag-iisip at matinding kontrol sa iyong mga emosyon. Ang merkado ng cryptocurrency ay lubhang naiimpluwensyahan ng mga marketing stunts, hype, at iba pang mga kahalintulad nito (Jain et.al, 2025; Krause, 2024, 2025).
At panghuli, magsaliksik at magberipika dahil ang mundo ng cryptocurrency ay ang pinakamakabagong tambayan ng mga scammers, fraudsters, money launderers, insider manipulators, rogue developers, con artists, social engineering experts, darknet facilitators, at pseudo-experts sa kadahilan na ang industriya ng cryptoccurency ay umuusbong palang, wala pang kongkretong sistema, at dahil na rin sa ito ay pagkakaperahan. Kailangan maging handa ka at alam mo kung papano mo sila makikilala para pagnakaharap mo na ang mga taong ito ay maiwasan, maisuplong, at maibahagi sa publiko para maiwasan din nila.
Dapat mo rin isaisip na ang halaga o presyo ng mga cryptocurrencies ay hindi itinatakda ng anumang gobyerno sa mundo. Hindi rin ito itinatakda ng isang kumpanya o samahan ang halaga ng mga cryptocurrencies.
Ang presyo ng mga cryptocurrencies ay hinuhulma ng dinamikong suplay at demand sa loob ng isang online trading platform o digital exchange na lubhang naiiba kumpara sa pangunahing at tradisyonal na merkado kagaya ng stocks, bonds, commodities, at foreign exchange. At dahil dito, hindi angkop ang paggamit ng mga nakasanayang mga financial models bilang gabay sa paggawa ng mga fundamental analyses at technical analyses. Kailangan ng mga financial experts na bumuo o isaayos ang mga pampinansyal na termino at modelo na angkop sa mga cryptocurrencies (Beigman et al., 2023; Corbet et al., 2021; Conrad et al., 2018; Liu & Tsyvinski, 2021).
To add, I have not come across a reasonable fair value model for cryptocurrencies. I have read suggestions, proposals, and guides, but most if not all of them are too speculative, too narrow, too vague, too unstable , or too risky to consider and accept as a guide. But, I am hopeful for what the near future holds, that one day the reasonable fair value model for cryptocurrencies has already met institutional standards across the board and across borders.
I have not come across a reasonable fair value model for cryptocurrencies. I have read suggestions, proposals, and guides, but most if not all of them are too speculative, too narrow, too vague, or too risky to consider and accept as a guide.
Sa ngayun, ang cryptocurrencies bilang investment ay “park your money at your own risk” both in the long and short run. Kaya’t naman dapat maging maingat, mapagmasid, mapagbantay, at hindi padalos-dalos kahalintulad ng isang ina. Kasabay nito, dapat din maging masinop, may layunin, at may disiplina kahalintulad ng isang ama.