Para sa mga ekonomista ang kahulugan ng pera ay napaka-espesipiko. Ang ibig sabihin ng pera para sa kanila ay anumang bagay na pwedeng tangaping ng nakakarami bilang pambayad sa mga produkto o serbisyo o bilang pambayad ng mga utang (Mishkin, 2022). Sa pandaigdigang ekonomiya, kilala ang Dolyar na pera ng bansa United States of America (USA), Yen para sa bansang Japan, Yuan para sa bansang China, Euro para sa bansang nasa ng Europe kagaya ng Austria, Belgium, Italy, France at Germany, at para naman sa bansang United Kingdom ang ginagamit nilang pera ay Pound Sterling. Sa Pilipinas, ang pera na ginagamit natin na batay na rin sa Republic Act No. 7653 ay ang Piso/Peso. Ginagamit ang piso bilang pambili o pambayad utang sa Pilipinas.
Bago matawag ang isang bagay na pera, may tatlong tungkulin ang pera na dapat tugunan (Mankiw, 2025).
Una ay bilang “store of value”, na ang ibig sabihin, ang bagay na ito ay may kakayahan magtago ng kapangyarihang para makabili (purchasing power) ng mga bagay o serbisyo kung kelan mo naisin. Kagaya ng piso, pwede mo itong gamitin kung kelan mo gustong bumili.
Dapat din natin malaman na hindi lang ang pera ang may ganitong kakayahan. Katulad ng pera, maari rin magtago ng halaga ang ibang uri ng mga ari-arian o assets kagaya ng bahay, lupa, art, stocks, bonds at alahas. Masasabi na ang mga ari-arian na ito ay mas maganda pa kaysa sa pera kung pag- uusapan ay ang pagtatago ng halaga dahil ang mga ari-arian na ito ay tumataas ang presyo o halaga (price appreciation) kumpara sa interest rate na makukuha mo sa pera kung ito ay iyong ipapautang o idedeposito sa bangko.
Pangalawa, bilang “unit of account”, ang pera ay magsisilbing pagtantiya ng halaga ng iyong bibilhin at pagdokumento ng halaga ng iyong mga utang. Ang pera ay nagsisilbing gabay at panukat sa halaga ng mga bagay na maari mong maibenta o mabili sa pamilihan. Kung nainis mo bumili ng itlog ng manok sa palengke, maari kang makabili ng isang itlog sa magkakaibang presyo depende sa laki ng itlog. Pwede kang makabili ng isang maliit na itlog sa halagang 5.50 pesos, katamtaman na itlog sa halagang 6 pesos, malaki na itlog sa halagang 6.50 pesos o sobrang laki na itlog sa halagang 7 pesos na gamit lamang ang katumabas na halagang pera.
Hindi kagaya noong panahong ng barter system na kung saan kung nais mong bumili ng isang produkto o bagay kailangan mong malaman kung ano ang presyo o halaga na iyong bibilihin kumpara sa produkto o bagay na pwede mong ipagpapalit para sa itlog. Isipin mo kung “barter system” pa rin ang gamit natin, napakahirap at kumplekado bumili sa pamilihan dahil ang taas ng transaction costs. Kung saan dapat mong malaman kung ano at ilan ang pwede mong ipagpalit katumbas ng itlog na nais mong bilhin. Sa daming ng produkto at serbisyo ngayun, magsisikap ka pa ba na malaman ang mga ito at magsisikap pa kaya ang mga nagbebenta.
At panghuli ay bilang “medium of exchange” kung saan ito ang gagamitin mong pang bayad sa pagbili mo ng mga produkto o serbisyo. Kagaya ng halimbawa natin nung una, kung bibili ka ng itlog sa palengke sa ilalim ng “barter system”, kailagan mong maghanap ng mga tao na tatangap ng produkto o serbisyo na meron ka kapalit ng produkto at serbisyo na gusto mo ipagpalit. Hindi mo na kailangan pang maghanap ng nagtitinda ng itlog na kung saan tatanggapin ang produkto o serbisyo na meron ka. Ang gagamitin mo na lang ay ang pera. Hindi mo na kailagan magpapapalit ng mga produkto o serbisyo na meron ka at hindi ka na mag eeffort.
Tinatangal ng pera ang transaction costs. Kaya naman hindi na ginagamit ang “barter system” sa pangkalahatang pamilihan maliban na lang siguro sa personal second-hand items na ibinibenta. Ang mga katagang “pwede swap add cash sa lower unit or value” ang lagi mong mababasa.
Bukod dito, ang pera ay may nakakahigit na katangian na kung saan mas madali at mas mabilis itong gamitin bilang pambili o pambayad kumpara sa ibang uri ng ari-arian (liquidity).
At higit sa lahat, ang pera ay itinatakda ng isang gobyerno ng isang bansa bilang isang panlegal na salapi o “legal tender” sa loob ng teritoryo nito (fiat money). Sa ating pera makikita ang mga katagang ito.
ANG SALAPING ITO AY BAYARIN NG BANGKO SENTRAL AT PINAPANAGUTAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS.
Kung susundin ang pamantayan ng mga ekonomista kung ano ang pera, ang cryptocurrencies kagaya ng Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), Tether (USDT), Binance Coin (BNB), at Solana (SOL) ay masasabing hindi pera.
Ang cryptocurrencies ay hindi nagtataglay ng lahat tatlong tungkulin para matawag na pera.
Una, bilang “store of value”, sa kasaysayan ng Bitcoin halimbawa, makikita nating na ang halaga ng Bitcoin ay lubhang pabago bago sa maikling panahon (high volatility). Minsan mataas, minsan naman sobrang taas at may mga pagkakataon na ang halaga nito ay bumulusok pababa na ang ibig sabihin ay hindi maganda bilang “store of value”.
Pangalawa, hindi tinataglay ng cyrptocurrencies ang katangian maging “unit of account”. Sa kadahilanang lubhang pabago bago ng halaga ang mga cryptocurrencies. Napamasalimuot kung gagamitin batayan ng halaga o presyo ng mga bilihin. Ibig sabihin sasalamin din ng mga presyo ng mga produkto at serbisyo ang pababagong presyo nga mga cryptocurrecies.
Panghuli, ang pagiging “medium of exchange” ng cryptocurrencies, maaring may mga tao o kumpanya kagaya ng Paypal, Bakkt at Bitpay (payment platform), ang nagbibigay serbisyo na mapadali ang pababayad ng Bitcoin sa mga kompanya at sa mga nagbebenta ng produkto o serbisyo na tumatangap ng Bitcoin kagaya ng Starbucks para sa kape, AT&T para sa phone bills at Gucci para sa mga mamahaling gamit kagaya ng mga damit at bag. Maituturing na limitado palang ang mga gumagamit ng Bitcoin bilang pambayad at limitado palang din ang mga kumpanya at nagtitinda na tumaggap nito kahalintulad sa “barter system”. Kung mayroon kang Bitcoin at gusto mo ito gamitin bilang pambayad, kailangan kang maghanap ng tindahan o tao na tatatagap ng Bitcoin kapalit ng nais mong bilhin. Maaring ka din maghanap ng kumpanya na nagbibigay serbisyo kung saan pwede iproseso ang iyong Bitcoin bilang pambili o pambayad.
Sa ngayun ang cryptocurrencies kagaya ng Bitcoin at Ethereum ay hindi pera.
Sa kasalukuyan, ang napagkasunduan na “monetary system” na gagamitin ng mga ekonomiya ng iba’t ibang bansa ay tinatawag na “fiat money” na kung saan ang pamahalaan ang nag-iisyu at nag-lalabas ng pera na gagamitin sa loob ng kanyang nasasakupan. Ang halaga ng perang ito ay batay sa tiwala and kumpiyansa ng mga tao sa gobyerno na nag-isyu ng pera.
Kung hindi pera ang mga cryptocurrencies, ano ang mga ito?
Sa kasalukuyan, ang mga cryptocurrencies o crypto assets ay isang bagay na ang halaga nito ay nagmumula sa mga mga taong o mga kumpanya na tumatangap ng mga ito bilang pambili o pambayad. Subalit ang mga cryptocurrencies na kagaya ng Bitcoin at Ethereum ay hindi ginagarantiya ng anumang gobyerno na miyembro ng IMF (International Monetary Fund) bilang opisyal na pambili o pambayad (legal tender).
Sa ngayun, wala pa sa mga bansang maunlad na miyembro ng IMF ang sumubok na gawing “legal tender” ang mga cryptocurrencies. Mayroon din naming sumubok na gawing “legal tender” ang cryptocurrency na Bitcoin, ito ay ang bansang El Savador na isang bansang umuunlad. Subalit hindi ito nagtagal na naipatupad dahil na rin sa payo at matinding pagtutol ng IMF (2025). Kagaya ng El Salvador, ang bansang Central African Republic na isang hindi gaanong maunlad na bansa ang lumikha ng kanilang sariling cryptocurrency o digital coin na tinatawag na “Sango” noong 2022 (International Monetary Fund. African Dept., 2023). Subalit, sa ngayun, hindi ito nakakakitaan ng anumang tagumpay sa larangan pampinansyal at sa sistema ng pananalapi.
Ayon sa IMF (2023), ang paggamit ng crypto assets ay may kaakibat na benepisyo at panganib sa ekonomiya.
So maari bang maging pera ang mga cryptocurrencies?
Para sa akin, sa hinaharap, pwede… isang malaking posibilidad…
Ang teknolohiya na sumasaklaw sa mga cryptocurrencies ay ang “blockhain technology”. Ang teknolohiyang ito ay napakabago pa lamang at nagsisimula palang ito gamitin at pageksperimentuhan. Maraming pang mga paraan, lapit at estratehiya kailagan saliksikin and pag-usapan kung ito ay maaring gamitin upang maibsan o mawala ang mga depekto at kahinaan ng kasalukuyang pera. Ang mga case study pa tungkol sa gamit at pwedeng pag-gamitan nito ay patuloy na umuusbong.
Sa aking punto de bista, isang malaking posibilidad na ang “blockchain technology” ay maaring gamitin ng mga pamahalaan sa mundo bilang pondasyon para mapaunlad ang kasalukuyang pera na kanilang ginagamit. Isang posibilidad ang paglikha at paggamit ng mga pamahalaan sa mundo ng kanya sariling cryptocurrency.
Pero kung ang Bitcoin, Ethereum, at iba pang mga cryptocurrencies na pag-mamayari ng isang pribadong kumpana o korporasyon ang ating pinag-uusapan. Ang sagot ko ay malabo pa itong mangyari. Maaring masaya si F.A. Hayek (1976) kung nabubuhay pa sya ngayun dahil posible niyang sabihin na ito ang kanya naiisip patungkol sa “denationalisation of money”.
Sa huli, lagi natin pagkakaisipin na walang permanenteng tagapagbantay o namumuno sa anumang naitatag na samahan, institusyon, organisayon, o pamahalaan. Kahalintulad din ng mga naipatupad na sistema at pamamaraan, nagbabago rin ito kasabay ng panahon.
Sa paglipas ng panahon, lahat nagbabago, lahat ay nagkakaroon ng pagbabagong-anyo. Sa kasaysayan, kagaya ng mga nabangit, walang uri ng pera ang naging permanente dahil kailagan ng pera na magbago ng anyo kasama ng panahon depende sa pangangailangan ng mga tao at upang maibsan at maisaayos ang mga depekto at kahinaan nito o para maiahon ang ekonomiya sa kasadlakan at malawakang depresyon.
Panahon ang magsasabi at magbibigay hudyat kung kelan ang tamang panahon para sa isang bagong uri ng pera.
References
Hayek, F. A. von. (1976). Denationalization of money: An analysis of the theory and practice of concurrent currencies. Institute of Economic Affairs.
IMF. (2025, February). IMF Executive Board Approves New 40-month US$1.4 billion Extended Fund Facility Arrangement for El Salvador. IMF. https://www.imf.org/en/News/Articles/2025/02/26/pr25043-el-salvador-imf-approves-new-40-month-us1-bn-eff-arr
International Monetary Fund. (2023). Elements of Effective Policies for Crypto Assets. International Monetary Fund. https://doi.org/10.5089/9798400234392.007
International Monetary Fund. African Dept. (2023). Central African Republic. IMF Staff Country Reports, 2023(156), 1. https://doi.org/10.5089/9798400239946.002
Mankiw, N. G. (2025). Macroeconomics (Twelfth edition). Worth Publishers, Macmillan Learning.
Mishkin, F. S. (2022). The economics of money, banking, and financial markets (Thirteenth edition, global edition). Pearson.